Wednesday, July 16, 2014

Bakit Hindi Nag-iinvest Ang Mga Pilipino?


Share This Post...
Facebook Twitter Google Digg Reddit LinkedIn Pinterest 







Nag-invest ka na ba?

Sana kasama sa listahan mo ang pagsasa ayos ng iyong buhay-pinansyal. Kung nais mo ng pagbabago sa iyong estadong kinatatayuan ngayon, pwes kailangan mong kumilos at planuhing mabuti ngayong taon ang iyong pananalapi. Ika nga sa kasabihan “If You FAIL to Plan, You PLAN to Fail”

Ngayon ay nais kong ibahagi sa inyo ang mga dahilan kung bakit “daw” hindi nakakapag-invest ang mga Pinoy!

Credit goes to the original source ng post na ito. Nakita ko lang ito sa aking facebook news feed at dahil ito ay "eye-opener" para lahat ng mga Pinoy, I decided na i-post ko ito dito upang mas marami pang mga Pinoy ang maabot ng “mahalagang mensahe” sa post na ito.

Narito...


Bakit Hindi Nag-iinvest Ang Mga Pilipino?



JANUARY: Nagbabayad pa ng utang nung dumaang pasko. Kinulang pa ang 13th month pay, kasi ang daming  namasko at pinapasko eh.. Ang daming gastos. 

FEBRUARY: Valentines day! Kakain sa labas, syempre yong sosyal na place. May regalo. Tapos chinese new year pa nga pala.
MARCH: Graduation time! Syempre ipaghahanda ng bonggang-bongga.
APRIL: Summer vacation! Travel dito, travel doon. Pupunta sa beach…
MAY: Hayss…. Enrollment na naman! Taas na ng matrikula sa school. (nagtaka ka pa?)
JUNE: Simula na ng uma-umagang baon. Kaylangan mo na rin bumili ng mga bagong gamit sa school, magbayad ng mga school fees at iba pa.
JULY: Nagbabayad ka pa ng utang mo, kinapos ka sa pang tuition di ba?
AUGUST: Ghost month! Di magandang mag invest…
SEPTEMBER: Hmmmm…Mag-i-invest na sana, kaya lang narinig ang… Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street… Nako! Ber month na pala!! Wag muna, marami kang pag-gagamitan sa pasko.
OCTOBER: Naghahanda ka na sa halloween. Syempre bakasyon uli, out of town.

NOVEMBER: Nako! 2nd sem na! Magbabayad ka na naman sa school. Di bale, malaki naman matatanggap mo next month. Bumale ka na lang sa boss mo.
DECEMBER: Pasko na  Kaso, nagastos mo na yong pera mo last month. Umutang ka na lang muna. Kailangan maidaos ng masagana ang pasko. Pano na lang kung maraming mamasko sa inyo. Baka sabihin POOR ka… Nakaka hiya pag wala ka maibigay..

And so on... ****

Medyo nakakatawa pero masakit dahil totoo. Hindi tayo nauubusan ng mga dahilan upang iisantabi ang pag-iipon at pag-iinvest. Pero sana ngayong taong 2014 ay magkaroon ka na ng “time” na simulang ayusin ang iyong finances. 

Learn how to save and invest! Magbasa ka ng mga blog about financial literacy, maraming mga dedicated pinoys na handang i-guide ka sa usaping pinansyal.

“Delay the Gratification. But Do Not Delay the Success. Start to Save and Invest… NOW!”

Hanggang sa muli! Nawa’y may natutunan ka sa post na to at pag-palain tayong lahat sa taong ito! :)



→Thanks for dropping by in my blog. If you learned something in this post, go ahead and click the like button below. Don't forget to put your comments as well. I will be glad to read them :)


Your Friend to Unstoppable Success,














➥ Marvin Marcelo
➥ 09274460543 / 09462155429 / 09438223165 

No comments:

Post a Comment