Kung gusto mo kumain sa mamahaling restaurant, PWEDE.
Kung nagsasawa ka na sa mamahalin at namiss mo sa turo-turo, pwede rin.
Pero kapag wala kang pera ay sa turo-turo o murang carinderia ka lang kumakain. No choice ka, hindi ka makakain sa mamahaling restaurant eh!
Kung gusto mo mag-kotse pwede...
Kung nagsasawa kang mag-drive at mag-co-commute ka pwede rin.
Pero kapag wala kang pera, no choice ka, mag-co-commute or maglalakad ka kasi wala kang pamasahe o hanggang commute ka lang dahil wala kang kotse.
Sa restaurant, kapag pipili ka ng makakain kapag may pera ka kahit anong magustuhan mo pwede mong i-order.
Pero kapag wala kang pera ang tinitingnan mo muna ay ang parteng kanan ng menu page, kasi nandoon ang presyo.
Sa shopping mall, kapag tumingin ka ng mga sapatos, kapag may pera ka at nagustuhan mo ang sapatos bibili ka, walang pagda dalawang isip.
Pero kapag wala kang pera, tinitignan mo agad ang price tag at kapag mahal pipili ka nalang ng mas mura.
Minsan pa nga, kapag nakita mong papalapit na sayo ang sales man / lady, lumalayo ka na bigla o lumalabas sa store.
Kapag may pera ka at nag-reunion ang pamilya iba pag may pera, alam mo kung bakit?
Kasi papi-pilahin mo ang mga pamangkin, mga bunsong kapatid, mamimigay ka ng pera sa kanila.
Pero kapag matalino ka lang at wala kang pera hindi mo pwedeng papilahin ang mga pamangkin mo para bigyan ng talino mo.
Ang pinaka masakit, kung minsan., ginagawa pang taga urong.
Wag mo sana masamain ang mga sinasabi ko. Hindi ko naman sinasabi na magmuka tayong pera, pero totoong napaka-importante ng pera.
Marami kang magagawa kapag may pera ka.
Masama ang pera kapag sinasamba mo na!
Pero kapag ginamit mo sa mabuti ang pera hindi masama na may pera.
Tandaan mo, hindi gagawin ng Diyos na merong Taong Maraming Pera kung masama ito.
Lagi ko nga sinasabi... "Hindi ka matatakot yumaman kung MABUTI ANG INTENSYON mo."
Imaginin mo, gusto mo marami kang pera para maka tulong ka sa Pamilya at kapwa mo., matatakot ka pa kaya yumaman?
Although makaka tulong ka rin naman kapag wala kang pera, pero iba pa rin yung may pera ka. Mas marami ka pa rin matutulungan o mapapasaya gamit ang mga bagay bagay na nabibili ng pera.
Kaylangan natin tanggapin na halos lahat ng bagay na nakaka tulong magpa saya sa Tao ay may presyo.
"Money is not the most important thing in this world but the lack of money affects the most important things in this world."
Hindi sapat ang pagmamahalan, kapag nagutom ang anak mo. Hindi pwedeng pagmamahalan lang, kapag nagkaron ng aksidente at na-ospital ang pamilya mo..?
Hindi pwedeng ibayad ang pagmamahal. Tama ba?
Kaya ang mga pangarap natin, sabayan natin ng aksyon.
HUWAG PURO PANGARAP LANG :)
At ang pinaka maganda at pinaka mabilis na paraan para magkaroon ng Financial Freedom ay ang MAG-NEGOSYO.
Uulitin ko, "Hindi ka matatakot yumaman kung MABUTI ANG INTENSYON mo."
→Thanks for dropping by in my blog. If you learned something in this post, go ahead and click the like button below. Don't forget to put you comments as well. I will be glad to read them :)
Your Friend to Unstoppable Success,
➥ Marvin Marcelo
Your Friend to Unstoppable Success,
➥ Marvin Marcelo
No comments:
Post a Comment