Saturday, July 26, 2014

"Sa Isip Mo May Lock Pero Wala Talaga"


Share This Post...
Facebook Twitter Google Digg Reddit LinkedIn Pinterest 


Magandang araw sa'yo! :) Meron akong nabasang kwento na gusto kong i-share sa'yo at siguradong kapupulutan ito ng aral.

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang great magician and illusionist. Ang pangalan niya ay Harry Houdini. Narinig mo na ba ang pangalan niya?

Si Houdini ay isang master magician at isang fabulous locksmith. Siya na siguro ang pinaka tanyag na escape artist sa buong mundo. 


May nabasa ako na very interesting na pangyayari sa buhay niya. Hindi lang ako sigurado kung eto ay part ng kanyang mala-alamat na kwento or part ito ng history niya pero siguradong ito ay very fascinating and interesting.


Napaka-confident ni Haudini sa kanyang talent. Sinabi niya na kaya niyang maka-takas sa kahit na anong prison cell sa buong mundo na hindi lalagpas ng isang oras, basta't suot niya lang kanyang street clothes.

Tinatanggap niya ang bawat challenge na ibinibigay sa kanya at gaya ng sabi niya., nagagawa niyang makatakas. Mag-isa lang siya sa loob ng selda at sa loob lamang ng ilang minuto ay nagawa niyang tumakas na parang isang himala.

Isang araw, sa isang maliit na bayan ng British Isle may bagong itinayo na jail cell at proud sila dito. 


"Halika ,subukan mong tumakas dito," sabi nila kay Haudini at pumayag naman siya.

Pumasok siya sa loob ng preson cell na very confident dahil nagawa na niyang makatakas ng mahigit sa isandaang beses dati. 


Sa sinturon ni Houdini ay may itinago siyang special lock pick na siya mismo ang nag-disenyo. 

Nang maisara na ang pinto, tinanggal niya ang balabal niya at nag umpisa agad siya mag trabaho para makatakas. Subalit may na diskubre siya na hindi pangkaraniwan sa lock ng jail.

Walang nangyari sa loob ng kalahating oras, nandun pa din siya sa loob ng selda. Unti unti nang nawala yung confidence niya.

Naka lipas na ang isang oras pero hindi pa rin niya matanggal ang lock. Sa pagkakataong ito naliligo na siya sa kanyang pawis at nawawalan na siya ng pag-asa dahil hindi pa din niya matanggal ang lock. 


Sinubukan na din niya lahat ng tricks na alam niya at kaya niyang gawin ngunit bigo pa rin siya.

Pag lipas ng dalawang oras napagod na siya, nawalan na siya ng lakas at pag-asa na matakas at literal siyang nag-collapse sa pinto ng jail cell.


Pagka bagsak niya sa pinto, sapat na yung bigat niya para maitulak at bumukas ito. 

Sa oras lang na yun niya diskubre na hindi pala talaga naka-locked ang pinto sa simula pa lang.

Sa isipan niya lang pala naka-locked ang pinto.

Ano ang LESSON sa kwento? 

Kung matagal ka na sa loob ng selda ng kahirapan, ng bad habits, o ng kung anuman na kumukulong sa'yo ng matagal ng panahon.. Ang good news kaibigan, bukas ang pinto at hindi ka naka-locked, lumabas ka na para lumaya ka na!

Ang lock ay nasa isipan lang, wala sa pinto. 

Dahil kapag inisip mo na naka-locked ka, naka-locked ka na talaga. 

In reality, there is no lock. 

Sa isip mo may lock pero wala talaga. 

Niloko ka lang ng isipan mo. Dinaya ka. 

Don't locked your mind kaibigan. 

Walk towards your freedom now! 

Ang sabi nga sa scripture, "You have been called to live in freedom..." (Galatians 5:13).

Sana may aral kang natutunan sa post na'to.

Happy Weekend! Don't lock your mind and Be Unstoppable! :)





→Thanks for dropping by in my blog. If you learned something in this post, go ahead and click the like button below. Don't forget to put your comments as well. I will be glad to read them :)


Your Friend to Unstoppable Success,














➥ Marvin Marcelo
➥ www.facebook.com/marvin.m.cristobal
➥ 09274460543 / 09462155429 / 09438223165 

No comments:

Post a Comment